P190.4M halaga ng shabu nakumpiska sa Cebu

By Angellic Jordan March 04, 2019 - 09:26 PM

Credit: Immae Lachica

Nasa 28 kilo ng shabu ang nakumpiska sa ikinasang anti-illegal drug operations sa Cebu, araw ng Lunes.

Sa isang press briefing, sinabi ni Brig. Gen. Debold Sinas, director ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7), isinagawa ang operasyon sa Barangay Inayawan sa Cebu Coty at Barangay Casili sa Consolacion.

Ang 28 kilo ng shabu ay bahagi ng 40 kilo shipment ibiniyahe sa pamamagitan ng roro mula Maynila.

Nagkakahalaga ang mga nasabat na kontrabando nang P190.4 milyon.

Ani Sinas, pagkadaan sa pantalan, dadalhin pa sana ang mga kontrabando sa bahay ng isang Jocelyn Encila at saka ikakalat sa isa sa mga pangunahing bentahan sa Cebu.

Ilang linggo aniyang binantayan ang mga suspek para maisagawa ang operasyon.

Tiniyak naman ni Sinas na ipagpapatuloy pa rin ang pinaigting na anti-illegal drug campaign sa lugar.

TAGS: 28 kilo, 40 kilo shipment, anti illegal drug operations, Brig. Gen. Debold Sinas, cebu, Jocelyn Encila, P190.4M shabu, Police Regional Office sa Central Visayas, RoRo, shabu, 28 kilo, 40 kilo shipment, anti illegal drug operations, Brig. Gen. Debold Sinas, cebu, Jocelyn Encila, P190.4M shabu, Police Regional Office sa Central Visayas, RoRo, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.