Paglalabas ng narco list bago ang eleksyon tuloy ayon sa Malacañang

Malacañang photo

Nanindigan ang Malacañang dapat pa ring ituloy ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagsasapubliko ng narco list o ng listahan ng mga pulitiko na sangkot sa illegal na droga bago ang May 13 midterm elections.

Tugon ito ng palasyo sa pangamba ng ilang opisyal ng Comelec, Senador at iba pang kritiko na unfair ang pagsasapubliko sa narco list bago ang halalan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, unfair rin kasi sa mga botante kung hindi ilalantad ang mga kandidato na sangkot sa illegal na droga.

Katwiran ni Panelo, may legal na pamamaraan ang mga nasa narco list na dumulog sa korte at magreklamo kung hindi totoo ang akusasyaon na sangkot sila sa illegal na droga.

Tiniyak naman ni Panelo na sumailalim sa matiding validation ang narco list bago isapubliko.

Ipinaliwanag rin ng kalihim na sasampahan ng kaso sa korte ang mga pulitikong sangkot sa illegal na droga.

Katwiran ni Panelo, kaya desidido ang palasyo na isapubliko ang narco list dahil ito ang madaling pamamaraan kaysa ang maghain ng kaso sa korte dahil kinakailangan pang makapag produce ng documentary at testimonial evidence.

Read more...