Chinese fishing vessels patuloy sa paglapit sa Pagasa Island sa Palawan
Iniulat ni Kalayaan, Palawan Mayor Roberto Del Mundo na apektado na ang mga lokal na mangingisda sa kanilang lugar ng pagbabantay ng ilang Chinese fishing vessels sa mga lugar na dati nilang itinuturing na fishing area,
Ang Kalayaan Island na kilala rin sa tawag na Thitu Island ang siyang pinaka-malaking isla sa bahagi ng West Philippine Sea na nasa loob ng 12-nautical mile territorial waters ng bansa.
Ipinaliwanag ng opisyal na hindi na magawang pumasok ng mga mangingisdang Pinoy sa tinatawag na sandbar 3 na siyang pinagkukunan ng maraming isda ng mga residente sa isla.
Bagaman walang harassment na ginagawa, todo-bantay naman ng maraming Chinese fishing vessels ang lugar ayon pa kay Del Mundo.
Mula sa pangpang ng Kalayaan Island ay kitang-kita ang ginagawang pangingisda ng mga Chinese sa lugar.
Ilang beses na rin umanong inilulat ng mga otoridad sa isla ang nangyayari sa lugar pero walang magawa ang mga opisyal na binibigyan nila ng ulat.
Sa mga unang araw sa buwan ng Pebrero, sinabi ng alkalde na umabot sa halos ay 50 ang fishing vessels ng China sa lugar.
Sinabi pa ng opisyal na malamang ay nagsasagawa rin ng monitoring ang China dahil sa pagpapagawa ng Armed Forces of the Philippines ng pier sa lugar.
Sa kasalukuyan, ayon kay Del Mundo ay inaayos na rin ang air strip sa Pagasa Island para makalapag doon ang mas malaking mga eroplano.
Umaasa naman ang opisyal na kaagad na magagawan ng paraan ng pamahalaan na muling makapangisda sa Sandbar 3 ang mga Pinoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.