Lahat ng PWDs na Pinoy miyembro na ng Philhealth

By Den Macaranas March 04, 2019 - 04:10 PM

Otomatiko na ngayong miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang mga taong may kapansanan o persons with disability (PWDs).

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11228 o “An act providing Philhealth coverage for all persons with disability” na mag-aamyenda sa magna carta for persons with disability.

Sa ilalim ng batas, sasagutin na ng gobyerno ang bayad sa kontribusyon ng PWD sa Philhealth habang ang mga PWD na may trabaho ay pagtutulungang bayaran ng gobyerno at ng kanilang mga employer.

Kukunin ang pondo sa National Health Insurance Fund ng Philhealth na makukuha naman sa excise tax sa alak at sigarilyo.

Inaatasan din ng batas ang Philhealth na gumawa ng exclusive package para sa mga espisipikong pangangailangan ng PWDs.

Inaatasan naman ang Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Department of Labor and Employment, National Council for Disability Affairs, Local Government Units at iba pang tanggapan ng gobyerno na magsagawa ng periodic monitoring at evaluation.

Pinagagawa rin sa Department of Health ang database para sa health at development needs ng mga PWDs.

Nilagdaan ng pangulo ang bagong batas noon pang February 22, 2019 subalit ngayon lamang inilabas ng Malacañang.

TAGS: doh, duterte, philhealth, pwd, Republic Act 11228, doh, duterte, philhealth, pwd, Republic Act 11228

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.