Dagdag na welfare attaches sa iba’t ibang bansa malaking tulong sa mga OFW – Sen. Angara

Nais ni reelectionist Senator Sonny Angara na madagdagan ang bilang ng social welfare attaches sa sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon kay Angara, co-author siya ng panukalang batas sa ilalim ng Committee on Labor ni Senator Joel Villanueva na layong damihan ang mga nakatalagang welfare attaches para mabantayan ang kapakanan ng maraming Overseas Filipino Workers (OFWs).

Maliban aniya sa mga labor attaches na nakatutok sa trabaho at kondisyon sa trabaho ng mga OFWs, mahalagang matutukan din ang kapakanan, at total well-being ng mga Filipino na nasa ibang bansa lalo na at may ibang nakararanas ng problema sa pag-iisip dahil sa pang-abuso.

Sa nasabing panukala ani Angara, tututukan kung anu-anong mga bansa ang higit na kakailanganin ng welfare attaches.

Tutukuyin aniya ang mga bansa depende sa datos o kung saang mga lugar may mataas na bilang ng mga OFW na naaabuso at nagkakaproblema.

Read more...