Mga negosyante natatakot nang mag-invest sa Pilipinas dahil sa ASG – Duterte

By Chona Yu March 04, 2019 - 01:01 PM

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na natatakot na ang mga mamumuhunan na maglagak ng negosyo sa bansa.

Ito ay dahil sa patuloy nab anta ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG).

Sa talumpati ng pangulo sa campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-LABAN sa Zamboanga City, sinabi nito na hindi magiging produktibo ang bansa hangga’t may banta ang teroristang grupo.

Iginiit pa ng pangulo na kailanman, hindi sila magkakaintindihan ng ASG.

Ayon sa pangulo, ni sa panaginip ay hindi niya naiisip ang kanyang sarili na nakikipag-usap sa teroristang grupo.

“With the Abu Sayyaf, we will never have an understanding. I cannot for the life of me imagine me talking to them after all what they have done. Decapitating everyone. My soldiers were Moro. They do not chose [who to kill]. They have no ideology except to kill and destroy,” ayon sa pangulo.

Hindi maatim ng pangulo ang ginagawang kaliwat kanang pagpatay ng ASG sa kapwa lalo na ang pagpugot sa mga bihag.

Wala na aniyang idolohiya ang asg at wala nang ibang layunin kung hindi ang pumatay.

“ If we cannot stop them (ASG), everybody who wants to invest in the Philippines will never do that. So we cannot be productive,” dagdag pa ng pangulo.

TAGS: abu sayyaf group, PDP Laban, president duterte, abu sayyaf group, PDP Laban, president duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.