Mahigit P14M na halaga ng party drugs nakumpiska sa isang condominium sa QC
(UPDATE) Aabot sa mahigit 14 na milyon pisong halaga ng party drugs ang nakumpiska ng mga otoridad sa ikinasang buy-bust operation sa isang condominium sa Xavierville Avenue kanto ng Esteban Abada St. sa Brgy. Loyola Heights, Quezon City.
Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), naaresto ng mga tauhan ng kanilang Regional District Enforcement Unit (RDEU) sa nasabing operasyon ang suspek na si Evette Tividad.
Ayon kay NCRPO chief Dir. Guillermo Eleazar, sangkot si Tividad sa bentahan ng ecstasy tablets, liquid ecstasy at high grade marijuana na ‘kush’.
Maliban sa mga nakasupot na tableta ng ecstasy tablet ay may nakumpiska ring mga marijuana na nasa selyadong bote.
Ayon kay Eleazar sa kanilang pagtaya, ang halaga ng mga nasabat na liquid ecstasy ay aabot sa P5 million ang street value; nasa halos P5 million naman ang halaga ng Kush; habang P4.5 million naman ang halaga ng mga ecstasy tablet.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.