Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni DILG Sec. Martin Diño, dapat ang mga kapitan ng barangay ay nag-iikot mismo sa mga nasasakupan nila at sila mismo ang nagkukumbinsi sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.
Ang mga opisyal din naman aniya ng barangay ang sasakit ang ulo kapag dumami ang kaso ng tigdas sa kanilang lugar.
Sa latest na datos ng Department of Health (DOH), 13,000 na katao na ang mayroong tigdas sa bansa sa loob lamang ng halos 2-buwan.
Mahigit 200 na dito ang nasawi.
MOST READ
LATEST STORIES