Sundalo patay sa pananambang sa Maguindanao

March 04, 2019 - 11:13 AM

Patay ang isang sundalo matapos tambangan ng hindi pa nakilalang mga suspek sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Walang dalang armas si Corporal Sahelbasar Alaja, squad leader ng 90th Infantry Battalion ng Philippine Army nang mangyari ang pananambang sa Barangay Semba.

Hindi kasi siya naka-duty nang maganap ang insidente.

Naglalakad lamang ang biktima nang may dumating na rinding in tandem at pinagbabaril siya.

Naisugod pa sa Cotabato Regional and Medical Center ang biktima pero idineklarang dead on arrival.

Ayon kay Maguindanao police provincial director Sr. Supt. Ronald Briones, nakikipag-ugnayan na ang Datu Odin Sinsuat police sa 6th Infantry Division para sa manhunt operation sa mga suspek.

Si Alaja ang ikaapat na sundalo na pinatay sa Maguindanao at Cotabato City mula noong nakaraang linggo.

TAGS: 90th Infantry Battalion, Corporal Sahelbasar Alaja, Cotabato Regional and Medical Center, Datu Odin Sinsuat, Philippine Army, soldier, 90th Infantry Battalion, Corporal Sahelbasar Alaja, Cotabato Regional and Medical Center, Datu Odin Sinsuat, Philippine Army, soldier

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.