3 hinihinalang carnapper patay sa engkwentro sa Batangas

By Dona Dominguez-Cargullo March 04, 2019 - 10:49 AM

Police banner
Patay ang tatlong hinihinalang carnapper sa Batangas matapos na magtangkang tumakas sa checkpoint sa bayan ng Malvar.

Ayon sa Malvar Police, napag-alaman nilang nakaw ang isa sa mga motorsiklong gamit ng mga suspek base sa sumbong ng may-ari nito na si Maynard Garcia.

Namataan ang motorsiklo sa bahagi ng Barangay Poblacion at nakita rin sa CCTV ang pag-alis ng tatlong suspek sakay ng dalawang motorsiklo.

Agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad laban sa tatlo.

Sa checkpoint, natyempuhan ang mga suspek na kinilalang sina Mario Molino, at dalawang kinilala sa alyas na Tito at JR.

Pinara ng mga pulis ang tatlo pero tumakas ang mga ito at pinaputukan ang mga otoridad.

Nahabol naman sila ng mga pulis at napatay.

Nakuha sa kanila ang mga ginamit na baril, mga basyo ng bala at ang ninakaw na motorsiklo.

TAGS: Batangas, Malvar, police operations, three suspected carnappers, Batangas, Malvar, police operations, three suspected carnappers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.