Mga residente maaapektuhan ng mahabang water service interruption ng Maynilad, maaring magparasyon ng tubig

By Dona Dominguez-Cargullo March 04, 2019 - 10:40 AM

Maaring mag-rasyon ng tubig ang Maynilad sa mga lugar na maaapektuhan ng 28 hanggang 72 oras na water service interruption nila sa Quezon City.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Maynilad Spokesperson Grace Laxa, may naka-standby silang water tankers na maaring mag-rasyon ng tubig.

Kailangan lang aniyang tumawag sa kanilang hotline number na 1626 para magpa-rasyon.

Pero ani Laxa umaasa silang nakapag-ipon ng tubig ang mga apektadong residente dahil sa maagang anunsyo ng Maynilad.

Pinakamatagal na mawawalan ng suplay ng tubig ay ang mga Barangay Batasan Hills, Commonwealth at Payatas na aabutin ng 3-araw.

Humingi naman ng paumanhin ang Maynilad sa mga residenteng apektado.

Sinabi ni Laxa na magreresulta naman ito sa mas maayos na serbisyo ng Maynilad.

TAGS: maynilad, quezon city, Radyo Inquirer, water service interruption, maynilad, quezon city, Radyo Inquirer, water service interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.