LRT1 Cavite extension project uumpisahan na sa Abril

Sisimulan na ang konstruksyon ng extension ng LRT line 1 hanggang sa Bacoor, Cavite.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), sa April 2019, uumpisahan ang konstruksyon ng proyekto.

Sinabi ni DOTr Undersecretary Timothy John Batan, matagal-tagal nang nakabinbin ang proyekto.

Ang proyekto na magdudugtong sa LRT mula Baclaran patungong Bacoor ay target makumpleto sa 2021.

Tinatayang mapakikinabangan ito ng 410,000 na pasahero kada araw.

Mapapababa din nito sa 30-minuto mula sa 90-minuto ang travel time mula Parañaque hanggang Bacoor.

Read more...