2 arestado sa tangkang panunuhol sa pulis sa Valenzuela

March 04, 2019 - 10:00 AM

Arestado ang dalawang katao sa Valenzuela City dahil sa tangkang panunuhol sa isang pulis na humarang sa kanila sa checkpoint.

Kinilala ang mga suspek na sina Gilbert Lara, 26 anyos at Rain Mesina, 23 anyos na sakay ng motorsiklo nang sila ay parahin.

Sa ulat ng Northern Police District, pinara ni Patrolman Reinald Romulo Limosnero ang motorsiklo dahil ang backrider nito ay walang suot na helmet.

Tinangka ng dalawang suspek na abutan ng P500 si Limosnero para hindi sila maisyuhan ng violation receipt.

Pero hindi ito tinanggap ni Limosnero at sa halip ay tinuloy ang pag-iisyu ng tiket sa dalawa, gayunman, mapilit ang mga suspek at patuloy na nakipagtalo sa pulis.

Naka-impound na sa Valenzuela City Action Center ang kanilang motorsiklo.

Mahaharap ang dalawa sa mga kasong corruption of public officials, resistance and disobedience to an agent or a person in authority at alarm and scandal.

TAGS: alarm and scandal, corruption of public officials, motorcycle riders, Radyo Inquirer, resistance and disobedience to an agent or a person in authority, Valenzuela City, alarm and scandal, corruption of public officials, motorcycle riders, Radyo Inquirer, resistance and disobedience to an agent or a person in authority, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.