15 kapitan ng barangay nakasuhan dahil sa hindi pagtatatag ng BADAC

By Dona Dominguez-Cargullo March 04, 2019 - 09:49 AM

Labinglimang kapitan na ng barangay ang akasuhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil sa hindi pagbubuo ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).

Bago ang barangay elections noong nakaraang taon, sinabi ni DILG Undersecretary Martin Diño, sa nasa 42,000 na mga barangay sa bansa ay 15 ang kanilang nakasuhan.

Makalipas aniya ang barangay elections ay lahat na ng barangay sa buong bansa ay tumugon sa BADAC.

Dahil sa pagiging functional ng BADAC sa buong bansa, sinabi ni Diño na tuluy-tuloy ang hulihan laban sa mga sangkot sa ilegal na droga.

Susi din aniya ang pagiging aktibo ng BADAC sa pagsasauli ng mga cocaine na natatagpuan sa mga baybayin ng bansa.

Sa buong Pilipinas ayon kay Diño, mayroong 800,000 na mga tauhan ng barangay na bahagi ng BADAC.

Ang problema lang ani Diño, inalisan ng kongreso ng budget ngayong 2019 ang BADAC.

Dahil dito, apektado aniya ang pondo sa pagsasagawa ng training at seminars sa mga miyembro nito.\]

TAGS: badac, DILG, Radyo Inquirer, badac, DILG, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.