Sa kabila ng pagtutol ng Comelec, CHR at ilang senador, paglalabas ng narcolist, tuloy – DILG

By Dona Dominguez-Cargullo March 04, 2019 - 09:24 AM

Tuloy ang paglalabas ng narcolist ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa mga pulitkong nasa narcolist.

Ito ay sa kabila ng pagtutol dito ng Commission on Human Rights (CHR), Commission on Elections (Comelec), ilang mga senador at iba pang grupo.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni DILG Undersecretary Martin Diño na obligasyon ng pamahalaan na mawarningan ang taumbayan.

Nasa mahigit 80 ang nasa narcolist ayon kay Diño na sumailalim sa pag-validate ng apat na ahensya ng pamahalaan.

Pawang pulitiko aniya ang mga ito pero hindi naman tiyak kung sila lahat ay tumatakbo para sa 2019 midterm elections.

Dagdag pa ni Diño, lalamanin ng ng narcolist ang pangalan ng mga pulitiko na kinabibilangan ng gobernador, congressman, mayor, at konsehal.

Una rito ay nagpahayag ng pagkabahala ang ilang ahensya ng pamahalaan dahil maaring paglabag umano sa karapatang pantao kung ilalabas ang listahan lalo na kung wala pa namang kasong naisasampa laban sa mga madadawit na pangalan.

TAGS: 2019 midterm elections, DILG, narcolist, PDEA, Radyo Inquirer, 2019 midterm elections, DILG, narcolist, PDEA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.