Gun-for-hire suspect patay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Laguna

Patay ang isang hinihinalang gun-for-hire makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa Alaminos, Laguna.

Isisilbi sana sa suspek na si JR Siervo, 35 anyos ang search warrant sa Barangay San Miguel.

Gayunman, ayon kay Lt. Col. Eleazar Matta, direktor ng Laguna police provincial office, nanlaban ang suspek sa halip na sumuko.

Si Siervo ay nagtatrabaho umanong hitman sa Alvero-Amante at Manambit Drug Groups.

Maliban sa pagiging hitman, sangkot din ang suspek sa pagbebenta ng baril.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre 45 na baril, isang M-16 rifle, shot gun at mga bala.

Read more...