Mag-live in partner arestado sa pagtutulak ng ilegal na droga sa Maynila

March 04, 2019 - 08:48 AM

Huli sa buy-bust operation ang maglive-in partner dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga sa Rizal Avenue at Soler Street Binondo, Manila.

Kinilala ng Binondo Police Station -11 sa pangunguna ni Police Major Rommel Salazar ang mga suspek na sina Gina Oliva, 44 anyos at kinakasama nitong si Laurence Santiago, 45 anyos.

Nakuha sa mga suspek ang 18 plastic sachet ng shabu at isang Yamaha Mio motorcycle, isang unit ng timbangan at P500 buy- bust money.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002 ang isasampa sa mga suspek sa piskalya ng Maynila ngayong araw na ito.

Isinalin naman sa pangangalaga ng PNP Crime Laboratory ang mga narekober na ibedensiya para sa pagsusuri.

TAGS: buy bust, manila, metro, War on drugs, buy bust, manila, metro, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.