Part 3 ng How to Train Your Dragon nangunguna pa rin sa North American box office

Sa ikalawang sunod na linggo, nananatiling nagnunguna sa North American box office ang “How to Train Your Dragon: The Hidden World”.

Ang final installment ng “How to Train Your Dragon” trilogy ay kumita na ng $30 million nitong nagdaang weekend, kaya inaasahang aabot na sa $100 million ang total earnings nito.

Nasa 2nd place naman ang “A Madea Family Funeral” ng Lionsgate na mayroong $27.1 million na earnings.

Habang nasa ikatlong pwesto ang “Alita: Battle Angel” na kumita ng $7 million.

Nasa 4th place ang “The Lego Movie 2: The Second Part” ng Warner Bros.

na mayronog $6.6 million na earnings at fifth place ang “Green Book” na kumita na ng $4.7 million.

Read more...