28 hanggang 72-oras na water service interruption ng Maynilad, simula na ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo March 04, 2019 - 06:41 AM

Sisimulan na mamayang gabi ang mahabang water service interruption ng Maynilad na makaaapekto sa ilang bahagi ng Valenzuela at maraming barangay sa Quezon City.

Ito ay dahil sa ipatutupad na temporary shutdown ng Maynilad sa kanilang North C Pumping Station at Commonwealth Pumping Station bilang bahagi ng kanilang major repair works at maintenance activities sa mga pasilidad.

Sa Valenzuela, 16 na oras na mawawalan ng suplay ng tubig mula alas 10:00 ng gabi mamaya (March 4) hanggang alas 4:00 ng madaling araw ng March 6 ang Barangay Ugong partikular ang Hobart Phase 1 and 2 at ang Doña Marciana Subdivision.

Parehong petsa at oras din ang ipatutupad na water service interruption sa sumusunod na mga barangay sa Quezon City:

– Bagbag
– Bagong Silangan
– Greater Fairview
– Gulod
– Holy Spirit
– Nagkaisang Nayon
– North Fairview
– San Bartolome
– Santa Lucia
– Santa Monica
– Sauyo
– Talipapa

Habang mahaba-haba o 3-araw aabutin ang water interruption sa iba pang lugar sa QC na magsisimula ng alas 10:00 ng gabi ng March 4 hanggang alas 10:00 ng gabi ng March 7.

Apektado ang mga barangay Batasan Hills, Commonwealth at Payatas.

Pinayuhan ng Maynilad ang mga maaapektuhang residente na mag-ipon na ng sapat na tubig na kanilang kakailanganin.

Maari ding ma-delay pa ang pagbabalik ng suplay ng tubig sa kanilang lugar depende sa taas ng lugar, layo nito sa pumping stations, at dami ng gumagamit ng tubig.

TAGS: manila water, public service, quezon city, Radyo Inquirer, valenzuela, water service interruption, manila water, public service, quezon city, Radyo Inquirer, valenzuela, water service interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.