Suspek sa pagnanakaw, patay makaraang mang-agaw umano ng baril ng pulis sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo March 04, 2019 - 06:28 AM

Inquirer file photo
Patay ang isang suspek sa pagnanakaw makaraang mang-agaw umano ng baril sa loob ng police community prencict sa Sampaloc, Maynila.

Naganap ang insidente sa loob mismo ng Sibama Police Community Precinct habang ginagawa ng isang pulis ang blotter laban sa suspek na si Brandon na umano ay nagnakaw ng wallet ng isang lalaking biktima.

Nadakip si Brandon kaninang (Lunes, Mar. 4) madaling araw.

Tumayo lamang ang pulis para kumuha ng tubig at doon na tinangka ng suspek na noon ay ‘di nakaposas na agawin ang kaniyang baril.

Nagpambuno pa ang suspek at pulis at habang nag-aagawan sa baril ay pumutok ito ng tatlong beses, at isa dito ang tumama sa mukha ng suspek.

Naisugod pa sa Ospital ng Maynila ang suspek pero idineklarang dead on arrival.

TAGS: manila police, pcp, police community precinct, Sampaloc, shootout, manila police, pcp, police community precinct, Sampaloc, shootout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.