Biyahe ng MRT-3 maagang nagka-aberya

By Dona Dominguez-Cargullo March 04, 2019 - 05:39 AM

(UPDATE) Maagang nakaranas ng aberya sa biyahe ng MRT-3 ngayong umaga ng Lunes, March 4.

Sa pagbubukas ng operasyon ng MRT-3 bigo itong makapag-operate ng buo dahil sa technical problem.

Sa abiso ng MRT-3, nagpatupad ito ng provisional service at mula North Avenue station hanggang Shaw Boulevard station at pabalik lamang ang biyahe.

Hindi naman nakabiyahe ang kanilang mga tren mula Shaw Boulevard hanggang Taft Stations at pabalik.

Ayon sa MRT-3 ito ay dahil sa problema sa kanilang Overhead Catenary System (OCS) power sa bahagi ng Guadalupe station.

Agad namang nag-deploy ng tauhan ang MRT-3 para magsagawa ng troubleshooting.

Alas 5:55 ng umaga na mag-resume ang normal at regular operations ng MRT-3.

TAGS: MRT 3, provisional service, Radyo Inquirer, railways, service advisory, technical problem, train system, MRT 3, provisional service, Radyo Inquirer, railways, service advisory, technical problem, train system

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.