Bloke ng cocaine narekober sa Baler

By Rhommel Balasbas March 04, 2019 - 03:51 AM

Aurora PPO

Isa pang bloke ng hinihinalang cocaine ang natagpuan sa baybayin ng Baler, Aurora Linggo ng madaling araw.

Ayon sa Central Luzon pulis, natagpuan ang cocaine malapit sa Barangay Reserva matapos makita ng isang construction worker.

May bigat ang cocaine na isang kilo at tinatayang nagkakahalaga ng P5.4 milyon.

May nakasulat na ‘Lexus’ sa balot ng cocaine na katulad ng mga bloke na narekober sa Camarines Norte noong Pebrero.

Sa ngayon ay sinusuyod na ng Aurora police ang kanilang mga karagatan upang malaman kung may mga kahalintulad na kontrabando ang nagpapalutang-lutang.

TAGS: "Lexus", Aurora, Baler, bloke ng cocaine, "Lexus", Aurora, Baler, bloke ng cocaine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.