Sa kanyang talumpati sa groundbreaking ceremony para sa P70 million gymnasium sa Isabela City, iginiit ng pangulo na hindi tatakas si Misuari.
Sigurado anya siya na hindi gugustuhin ng MNLF leader na mamatay hindi sa sarili niyang bayan.
Ayon sa pangulo, pag-uusapan nila sa hinaharap ni Misuari kung ano ang dapat gawin sa mga lugar na sakop ng Bangsamoro Organic Law.
Nangako naman si Duterte na patuloy na magbibigay ng mga proyekto para sa rehiyon ng Mindanao sa natitira niyang dalawang taon kabilang ang isang international airport.
Samantala, muli na namang binanggit ng punong ehekutibo ang kanyang ideyang palitan ang pangalan ng bansa.
Iginiit ni Duterte na sapilitan ang ginawang pagpapa-convert ng mga Espanyol sa mga Filipino sa Kristiyanismo.