Pangulong Duterte at Nur Misuari mag-uusap muli

By Rhommel Balasbas March 04, 2019 - 03:36 AM

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon muli sila ng pag-uusap sa hinaharap ni Moro National Liberation Front founding chairman Nur Misuari.

Sa kanyang talumpati sa groundbreaking ceremony para sa P70 million gymnasium sa Isabela City, iginiit ng pangulo na hindi tatakas si Misuari.

Sigurado anya siya na hindi gugustuhin ng MNLF leader na mamatay hindi sa sarili niyang bayan.

Ayon sa pangulo, pag-uusapan nila sa hinaharap ni Misuari kung ano ang dapat gawin sa mga lugar na sakop ng Bangsamoro Organic Law.

Nangako naman si Duterte na patuloy na magbibigay ng mga proyekto para sa rehiyon ng Mindanao sa natitira niyang dalawang taon kabilang ang isang international airport.

Samantala, muli na namang binanggit ng punong ehekutibo ang kanyang ideyang palitan ang pangalan ng bansa.

Iginiit ni Duterte na sapilitan ang ginawang pagpapa-convert ng mga Espanyol sa mga Filipino sa Kristiyanismo.

TAGS: Bangsamoro Organic Law, MNLF founding chairman Nur Misuari, Rodrigo Duterte, Bangsamoro Organic Law, MNLF founding chairman Nur Misuari, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.