Cameroonian arestado dahil sa swindling

By Rhommel Balasbas March 04, 2019 - 02:04 AM

QCPD photo

Timbog ang isang Cameroonian matapos makagoyo ng P250,000 sa apat na babae sa Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Karl Heinz Obi Akum, 29 anyos at nagpanggap bilang Jackson Smith.

Nakumbinse nito ang apat na babae na sina Celia Mandin, Michelle Ramos, Brenda Gabriel at Julita Florendo na mamuhunan sa kanyang negosyo at nangakong dodoble ang kanilang pera.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), naunang nanghingi ng pera ang suspek sa kanyang mga biktima para maipambili ng kemikal na gagamitin niya para magreproduce ng pera.

Nadiskubre naman ng apat na babae na ang perang ibinigay sa kanila ay peke dahilan para isumbong sa pulis si Obi.

Sa operasyon sa bahay ng mga biktima sa Barangay Holy Spirit ay naaresto ang suspek at nakuha mula sa kanya ang P250,000 na pekeng bills.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong swindling.

TAGS: Cameroonian swindler, Quezon City Police District (QCPD), Cameroonian swindler, Quezon City Police District (QCPD)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.