Provincial board secretary ng Bukidnon patay sa pananambang

By Rhommel Balasbas March 04, 2019 - 02:02 AM

Patay sa pananambang ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek ang provincial board secretary ng lalawigan ng Bukidnon.

Nakilala ang biktima na si Roland Lacson, 45 anyos residente ng bayan ng Maramag.

Ayon sa pulisya, patungo ng Brgy. Kuya si Lacson kasama ang kanyang ama at pamangkin nang pagbabarilin ito ng mga suspek na sakay ng Toyota Fortuner.

Agad na tumakas ang mga gunman at nasawi si Lacson dahil sa tama ng bala sa kanyang ulo.

Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang Criminal Investigation and Detection Group sa Bukidon sa tulong ng Maramag Municipal Police Station.

TAGS: bukidnon, Bukidnon provincial board secretary shot dead, shot dead, bukidnon, Bukidnon provincial board secretary shot dead, shot dead

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.