5-game winning streak ng Rain or Shine, tinuldukan ng TNT

By Rhommel Balasbas March 04, 2019 - 01:16 AM

Winakasan ng TNT Katropa ang limang sunud-sunod na panalo ng Rain or Shine sa 2019 PBA Philippine Cup.

Wagi ang Katropa sa iskor na 100-92 sa kanilang laban kahapon sa Ynares Center.

Matibay ang opensa ng Katropa laban sa ROS sa pangunguna nina Jayson Castro, Troy Rosario at Jericho Cruz.

Sa mayorya ng second half ay lamang ang Katropa ng double digits maliban sa pagpasok ni James Yap ng bola sa natitirang 33 segundo para maitala ang 95-91.

Pero hindi naman nagpatinag ang TNT lalo na dahil sa free throws ni Castro sa natitirang 28.3 seconds.

Dahil sa panalo ay umabante sa 4-3 ang TNT sa standings.

Ang Elasto Painters ay dumausdos sa second place sa iskor na 7-2.

Nanguna para sa TNT si Casro sa kanyang 20 points, seven rebounds at 10 assists na sinundan ni Rosario sa kanyang 20 points at six rebounds.

Nanguna naman para sa Painters si Yap sa kanyang 18 points.

TAGS: 2019 PBA Philippine Cup, Rain or Shine, TNT KaTropa, 2019 PBA Philippine Cup, Rain or Shine, TNT KaTropa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.