LOOK: Arjo Atayde may nakakakilig na birthday message kay Maine Mendoza

Hindi magkandamayaw sa kilig ang fans dahil sa isang sweet birthday message ni Arjo Atayde kay Maine Mendoza.

Nagpost ng pagbati si Atayde kay Mendoza sa Instagram para sa kaarawan nito.

Sa kanyang caption, nakalagay ang ‘My reason for being. Happy birthday to my main.’

Ang post ni Atayde araw ng Linggo ay isang araw lamang matapos umamin si Mendoza na sila ay ‘dating’.

Sa ngayon, ang Instagram post ni Atayde ay mayroon ng 218,400 likes.

Ngayon ay 24-anyos na ang aktres na sumikat dahil sa love team na AlDub kung saan kanyang kasama si Alden Richards.

 

View this post on Instagram

 

My reason for being. Happy birthday to my main. ❤️

A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde) on Mar 3, 2019 at 2:53am PST

Read more...