Malacañang ipinagtanggol ang pag veto ni Pangulong Duterte sa anti-palo bill

Sinupalpal ng Palasyo ng Malakanyang ang pagkabahala ng United Nations Children Fund at Child Rights Network sa pag veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Anti-Palo Bill.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi kasi pinakikinggan muna ng mga kritiko ang paliwanag ng pangulo.

Ayon kay Panelo, iginigiit ng pangulo na hindi dapat na tanggalan at tungkulin ng mga magulang na disiplinahin ang mga anak.

Ayaw aniya ng pangulo ng sobrang pagdidisiplina at pang-aabuso sa mga bata.

Maari aniyang parusahan ang mga bata sa tamang pamamaraan lamang.

Iginiit pa ni Panelo na sila mismo ni Pangulong Duterte ay binigyan nang maayos na pagdisiplina sa mga magulang kung kaya natuto silang gumalang at sumunod sa mga itinatakda ng batas.

Ibang usapan na aniya kung sobra na ang pananakit ng mga magulang sa mga bata at tiyak na mananagot sa batas ang mga ito.

Wala naman aniyang mga magulang ang sobrang mananakit sa mga anak dahil tiyak na mahal nila ang mga ito maliban na lamang aniya kung mga drug addict ang mga magulang.

Read more...