Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi na kailangan na kumpasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senatorial candidate ng administrasyon.
Batid na aniya ng mga kandidato kung ano ang kanilang gagawin.
Ayon kay Panelo, naiintindihan niya ang hamon ng Otso Diretso dahil publicity pa rin ito para sa kanilang hanay.
Batid din aniya ng taong bayan na ang labanan sa mundo ng pulitika ay matira ang matibay.
Kabilang sa mga kandidato sa Otso Diretso sina Mar Roxas, Romulo Macalintal, Samira Gutoc, Gary Alejano, Bam Aquino, Chel Diokno, Erin Tanada at Florin Hilbay.
Pambato naman ni Pangulong Duterte sina Bong Go, Ronald “Bato” Dela Rosa, Aquilino “Koko” Pimentel III, Francis Tolentino at Zajid Mangudadatu. Maging sina Sens. Cynthia Villar, Sonny Angara at JV Ejercito, Taguig City Rep. Pia Cayetano, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, Rafael Alunan at ang singer na si Freddie Aguilar.