Isang bloke ng hinihinalang cocaine, narekober sa Baler, Aurora

By Isa Avendaño-Umali March 03, 2019 - 01:10 PM

 

Mayroong natagpuang isang bloke ng hinihinalang cocaine sa baybayin ng Baler, Aurora ngayon araw ng Linggo (March 3).

Ayon sa Central Luzon Police, tinatayang isang kilo ang bigat ng hinihinalang cocaine na nakita ng construction worker na si Ariel Gonzales Valenzuela sa Barangay Reserva dakong alas-singko ng umaga.

Sa balot ng bloke, may nakasaad na “Lexus” na katulad ng sa bloke ng cocaine na narekober naman sa Camarines Norte noong nakalipas na buwan.

Iniinspeksyon na ng Baler police ang iba pang dalampasigan ng Baler upang mabatid kung may kahalintulad na kontrabando.

Nitong mga nakalipas na araw, may mga nakuhang bloke-bloke ng hinihinalang cocaine sa Siargao Islands, Dinagat Islands, Quezon at iba pang lugar.

Ayon sa Philippine National Police o PNP, iniimbetigahan na nila kung saan galing ang mga bloke.

 

 

TAGS: Aurora, Baler, cocaine, Aurora, Baler, cocaine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.