“MODERNONG MASS COMMUTER SYSTEM, KABATAAN ANG MAKIKINABANG” – Sa Wag Kang Pikon ni Jake Maderazo

By Jake J. Maderazo March 03, 2019 - 12:46 PM

Bago matapos ang taong ito, bubuksan na ang SKYWAY-3, isang elevated expressway na galing ng NLEX dadaan ng Araneta Avenue, Quezon City, Nagtahan at tuluy-tuloy sa SLEX. Ito ay pangatlong ruta ng NLEX-SLEX  na dominado ng ma-traffic ngayong C-5 at EDSA.

Pagsapit ng  2021, magiging apat na ito dahil itatayo naman ang NORTH-SOUTH CONNECTOR ROAD mula NLEX pero dadaan sa C-3, tatawid ng Maynila sa ibabaw ng riles ng tren, papuntang PUP at deretso na sa SLEX.

Pangplimang ruta rin ang NLEX-HARBOR LINK-RADIAL ROAD 10-Roxas  Bouelvard na ngayo’y 45 minutes na lang ang biyahe mula sa dating dalawang oras. Kaya’t sa halip na dumaan sa EDSA o C-5 ang mga sasakyan, meron na tayong  tatlong alternatibo. Ibig sabihin, malaki ang mababawasan sa traffic sa dalawang kalsada.

Tungkol naman sa mass transport system, malaking ginhawa sacommuters ang ginagawa ngayong MEGAMANILA SUBWAY o MRT-5, ang underground railway galing ng Quirino Avenue na dadaan sa Unified Grand Central Station sa North Avenue, Anonas, Ortigas, Makati, Global City sa Taguig, FTI  at tuluy-tuloy sa NAIA.

Kakabit ito sa  MRT-7 na biyaheng SM CITY at San Jose Del Monte, Bulacan, LRT-2 na biyaheng Pier 1, Tondo-Santolan Pasig  at  LRT1 na biyaheng Monumento-Cavite.

Kokonekta rin ang mga Mega-subway sa sa itatayong Makati intra-city subway ni Mayor Abby Binay na iikot sa Edsa Ayala, Buendia,  Kalayaan, Guadalupe, Rockwell at Circuit.

Ang LRT-2 ay magkakaroon ng extension at magiging biyaheng Pier 4 sa North Harbor hangang sa Masinag, Antipolo, samantalang ang LRT-1  extension ay gagawin na rin hanggang Bacoor Cavite na plano ring idaan malapit sa NAIA. Lahat ito’y matatapos sa 2021.

Ibig sabihin, kahit wala kang kotse, pupunta ka lang sa “Unified Grand Central station” sa SM NORTH/Trinoma, mararating mo ang maraming lugar gamit ang Subway, MRT at  LRT tulad ng  Novaliches-Caloocan, San Jose Del Monte- Bulacan, Bacoor-Cavite, Masinag-Antipolo, Pier 4- North Harbor,  Anonas-Cubao, Bonifactio Global City, FTI at NAIA.

Mayroon  pa ngang  planong  LRT-4  na ang ruta naman aymula Taytay city hanggang Sta. Magsaysay Blvd. sa Maynila. Ito’y dadaan ng Maynila, Mandaluyong, Pasig, Cainta, at Taytay, pero ito’y sa susunod nang administrasyon.

Magandang balita rin ang improvement ng  ating mga riles ng tren. Sinimulan nang gawin ang unang yugto ng North South Commuter railway, mula Tutuban hanggang Malolos na merong 10 stations. Sa kabuuan, ang NSCR na manggagaling ng Clark International airport hanggang sa Calamba, Laguna ay  “fully elevated,  dual track, electrified at high capacity commuter railway system” na merong 37 stations sa kabuuang 147 kilometers nito.

Limampu’t walong bagong “eight car train sets” ang bibiyahe na kayang magsakay ng 340,000 passengers bawat araw. Lahat ito’y sisimulan ang konstruksyon ngayong 2019.

Para sa mga commuter, malaking bagay ito lalo na sa mga nakatira sa labas ng Metro Manila. Pwede silang magpalipat-lipat ng MRT, LRT, MEGA SUBWAY at PNR para marating ang kanilang destinasyon nang hindi gumagamit ng kotse. Kaya’t talagang napakaswerte nitong millennials at generation-x  na mga kabataan at ng susunod na henerasyon. Sila ang makikinabang sa mass transport system na matagal nang na-plano pero ngayon pa lang magkakatotoo.

TAGS: Mass Commuter System, Wag kang Pikon ni Jake Maderazo, Mass Commuter System, Wag kang Pikon ni Jake Maderazo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.