Tandang Sora flyover, sarado na

By Isa Avendaño-Umali March 03, 2019 - 08:36 AM

File photo

Sarado na ang Tandang Sora Flyover sa Commonwealth Avenue, sa Quezon City.

Simula alas-onse kagabi (March 2), ay isinara na ang naturang flyover upang bigyang-daan ang konstruksyon ng Metro Rail Transit o MRT-7.

Inaasahang tatagal ng dalawang taon ang konstruksyon ng MRT-7 Tandang Sora station.

At bunsod nito, gigibain ang flyover habang ang intersection sa ilalim ng flyover at hindi na rin madadaanan ng mga motorista.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, katuwang ang Quezon City Department of Public Order and Safety ay nagkaroon sila ng isang linggong clearing operations sa mga lugar na alternatibong ruta ng mga motorista, partikular sa Luzon Avenue, Congressional Avenue at Tandang Sora.

Tiniyak ng MMDA na mayroong sapat na bilang ng enforcers sa lugar, lalo’t inaasahang bibigat ang daloy ng trapiko.

Samantala, hindi naitago ng publiko ang kanilang kalungkutan dahil sa pagsasara ng Tandang Sora flyover.

Sa ilang post ng netizens sa social media, sinabi nila na mamimiss nila ang Tandang Sora flyover, habang ang iba, nagpaabot ng pasasalamat sa flyover na maraming naserbisyuhan sa nakalipas na mga taon.

Mayroong ding natatakot sa matinding traffic na maidudulot ng closure ng Tandang Sora flyover.

 

TAGS: mmda, MRT 7, Tandang Sora Flyover closure, mmda, MRT 7, Tandang Sora Flyover closure

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.