Korina Sanchez, “proud nanay” nina Pepe at Pilar

By Isa Avendaño-Umali March 03, 2019 - 08:07 AM

Isang “proud nanay” sa kanyang kambal ang beteranong broadcaster na si Korina Sanchez.

Nitong mga nakalipas na araw ay hindi naging madamot si Sanchez sa pagbabahagi ng mga litrato ng mga anak nila ni dating Senador Mar Roxas.

Isa sa latest post ni Sanchez sa kanyang Instagram account ay pictures nina Pepe at Pilar na nakadilat ang mga mata.

Ayon kay Sanchez, marami kasi ang humihiling na magpost siya ng larawan ng kambal na nakadilat ang kanilang mata. At pinagbigyan naman ito ni “Koring.”

Sa caption pa nito, kanyang sinabi na “Ampogi ni Pepe and ang Ganda ni Pilar, di ba? Sige na pumayag na kayo” at may hashtag pang #KiligSiMommy.

Matatandaang ginulat ng mag-asawa ang publiko nang kanilang kumpirmahin na sila’y nagkaroon ng kambal sa pamamagitan ng “surrogacy from embryos.”

Si Sanchez, 54-anyos; at Roxas, 61; ay ikinasal noong October 2009.

 

View this post on Instagram

 

You’ve been asking me to show the kids with their eyes open for a change. I guess you can’t really tell what they look like pag sarado ang mata nga naman. O ayan… siyempre proud Nanay ako. Ampogi ni Pepe and ang Ganda ni Pilar…diba? Sige na pumayag na kayo….#KiligSiMommy #NanayNiPepeEnPilar

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina) on Mar 2, 2019 at 1:14am PST

TAGS: Korina Sanchez, Mar Roxas, Korina Sanchez, Mar Roxas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.