Dahil dito asahan pa rin ang may kalamigang panahon sa Luzon at Visayas sa umaga ngunit maalinsangang panahon ang asahan sa tanghali dahil papalapit na ang bansa sa dry season.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang buong Luzon at Visayas.
Sa Mindanao bagaman maalinsangan ang panahon posibleng magkaroon ng mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat na dulot ng localized thunderstorms.
Samantala, tuluyan nang nalusaw ang low pressure area (LPA) na dating ang Bagyong Betty.
Magandang balita naman sa mga mangingisda dahil walang nakataas na gale warning saanmang baybaying dagat ng bansa.