Lalaki patay sa pamamaril ng riding in tandem sa Iloilo City

By Len Montaño March 03, 2019 - 03:37 AM

Patay ang isang lalaki sa pamamaril ng riding in tandem sa harap ng shopping mall sa Mabine Street, Iloilo City araw ng Sabado.

Kinilala ang nasawi na si Lhuil Clemente, 40 anyos.

Sakay si Clemente ng motorsiklo nang barilin ng mga suspek na nakasakay din sa motorsiklo.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero binawian ito ng buhay kalaunan.

Nabatid na nagtitinda ng karneng baboy at manok ang biktima at wala umano itong kaaway sa kanilang lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.

TAGS: iloilo city, lalaki, motorsiklo, patay sa pamamaril, riding in tandem, iloilo city, lalaki, motorsiklo, patay sa pamamaril, riding in tandem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.