Mga mangingisdang Pinoy, apektado sa pang-aagaw ng teritoryo ng China sa WPS

By Jay Dones November 27, 2015 - 04:18 AM

 

international lawyer Andrew Loewenstein
Zoilo Velasco/contributor

Dahil sa pagkamkam ng China sa mga malaking bahagi West Philippines Sea, apektado ang kabuhayan ng mga Pilipinong mangingisda at nasusupil din ang kaparatan ng Pilipinas sa isyu ng exploration sa naturang karagatan.

Ito ang tampok sa ikalawang araw ng oral arguments ng Pilipinas sa United Nations Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands.

Sa kanilang argumento, sinabi ng mga kumakatawan sa Pilipinas na nilalabag ng Beijing ang karapatan ng mga Pilipinong pakinabangan ang likas na kayamanang nasa loob ng exclusive economic zone ng bansa.

Giit pa ng panig ng Pilipinas sa tribunal, wala sa anumang bahagi ng ‘historical rights na iginigiit ng China ang magpapatunay na sila ang may-pag-aari ng mga lugar na kanilang inaangkin kaya’t walang pag-asa at ‘indefensible’ ang argumento nito .

Paliwanag pa ni Andre Loewenstein, isa sa mga international lawyer na kinuha ng Pilipinas, ang Panganiban reef o Mischief reef, Kagitingan o Fiery Cross reef, Zamora o Subi reef, Mckennan o Hughes reef at Burgos o Gaven reef ay pawang mga low tide elevations.

Sa ilalim aniya ng United Nations Convention on the Laws of the Sea o UNCLOS walang maituturing na sariling exclusive economic zone o continental shelf ang mga naturang bahura.

Ipinakita rin ng panig ng Pilipinas sa arbitral tribunal ang mga larawan ng reclamation na ginagawa ng China sa mga bahura na magpapatunay anila sa agresibong pang-aagaw ng China sa mga bahura sa West Philippines Sea.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.