DFA ginagawa ang lahat para maisalba ang isang OFW sa death row sa Saudi Arabia

By Len Montaño March 03, 2019 - 12:13 AM

Ginagawa ng Department of Affairs (DFA) ang lahat para mailigtas ang isang Filipina na nasa death row sa Kingdom of Saudi Arabia dahil sa pagpatay sa amo nitong babae tatlong taon na ang nakalipas.

Pahayag ito ng DFA matapos pagtibayin ng Saudi Court of Appeals ang hatol sa isang Pinay noong 2017.

Ayon sa mga opisyal ng Philippine Consulate General sa Jeddah, patuloy nilang tutulungan ang OFW na sinabi na sa korte na pinatay niya ang kanyang employer bilang self defense.

Sinabi ni Consul General Edgar Badajos, tinutulungan ng konsulada ang Pinay sa simula pa lamang ng paglilitis dito sa pamamagitan ng pagbigay sa kanya ng abogado at pagpapadala ng kinatawan sa mga hearing ng kaso.

Ipinarating na ang kaso sa Department of Justice (DOJ) na pinuno ng Inter-Agency Committee Against Trafficking (IACAT) para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa recruiter ng OFW na isang menor de edad nang unang matalaga sa Saudi Arabia noong 2016.

TAGS: death row, DFA, employer, Filipina, Inter-Agency Committee Against Trafficking, ofw, Philippine Consulate General, pinagtibay, saudi arabia, Saudi Court of Appeals, self defense, death row, DFA, employer, Filipina, Inter-Agency Committee Against Trafficking, ofw, Philippine Consulate General, pinagtibay, saudi arabia, Saudi Court of Appeals, self defense

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.