ALAMIN: Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo

By Rhommel Balasbas March 02, 2019 - 11:53 PM

Matapos ang sunud-sunod na linggong oil price hike, may inaasahang pagbaba sa presyo ng diesel at kerosene sa susunod na linggo.

Ayon sa oil industry sources, matapos ang trading hanggang araw ng Biyernes, mababawasan ng P0.05 hanggang P0.15 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Ang kerosene o gaas naman ay inaasahang mababawasan ng P0.30 hanggang P0.40.

Samantala, walang pagbabago sa presyo ng gasolina ngunit posibleng tumaas ang presyo nito ng P0.20 kada litro dahil sa ethanol.

Ang oil price adjustments ay kadalasang ipinatutupad tuwing araw ng Martes.

TAGS: dagdag-bawas, diesel, ethanol, gasolina, kerosene, oil price adjustment, oil price hike, petrolyo, dagdag-bawas, diesel, ethanol, gasolina, kerosene, oil price adjustment, oil price hike, petrolyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.