Layon ng batas na pagkalooban ng mga handbook ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na naglalaman ng kanilang mga karapatan at benepisyo.
Pinirmahan ng Pangulo ang Republic Act No. 11227 o “Handbook for OFWs Act of 2018” noong February 22 na inilabas sa media araw ng Sabado.
Inamyendahan ng bagong batas ang Republic Act No. 8042 o “Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995.”
Layon din ng batas ang empowerment ng mga OFWs sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kaalaman ukol sa kanilang mga benepisyo at hirap ng pagtatrabaho sa ibang bansa.
Nakasaad sa batas ang impormasyon ukol sa kundisyon ng pagtatrabaho at pamumuhay sa bansa na kanilang pupuntahan.
Ang mga ahensya ng gobyerno na may mandatong ipatupad ang batas ay ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Foreign Affairs (DFA), Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), Commission on Filipinos Overseas (CFO) at Maritime Industry Authority (MARINA).
Ang pondo para sa patuloy na publication, distribution at update ng OFW Handbook ay kukunin sa pondo ng POEA.