3 umano’y magnanakaw, patay sa enkwentro sa Batangas

By Len Montaño March 02, 2019 - 09:50 PM

PNP-HPG Batangas photo

Patay ang 3 umanoy magnanakaw ng motorsiklo sa enkwentro sa pulisya sa Malvar, Batangas araw ng Sabado.

May nagreklamo sa pulisya na ninakaw umano ang kanyang motor sa Barangay Luta Norte.

Agad tinugis ang mga suspek at naharang sa checkpoint ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa Barangay Poblacion.

Pero ayon sa mga pulis, nakipagbarilan ang mga suspek nang masukol sa checkpoint.

Agad na napatay ang tatlong suspek at narekober sa kanila ang motorsiklo, cellphone at pera ng biktima.

Sinabi ng hepe ng PNP-HPG Batangas na si Police Captain Jet Sayno, ang tatlo ay maaaring miyembro ng robbery group na nambibiktima ng mga Indian nationals.

Hinimok ng otoridad na makipag-ugnayan sa kanila ang mga Indian nationals o sinumang nabiktima ng mga suspek.

TAGS: Batangas, checkpoint, enkwentro, Indian Nationals, magnanakaw, Malvar, nakipagbarilan, Batangas, checkpoint, enkwentro, Indian Nationals, magnanakaw, Malvar, nakipagbarilan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.