HS grads at college dropouts hinimok ni Angara na samantalahin ang libreng kolehiyo

File photo

Magandang balita dahil may pag-asa pa ang mga gustong mag-aral sa kolehiyo.

Sinabi ni Sen. Sonny Angara na umaabot sa 360,000 na mga unemployed university dropouts at mga high graduates ang hindi napagpa-enrol sa kolehiyo dahil sa problema sa pera.

Kaugnay nito ay pinayuhan ng mambabatas ang nasabing mga kabataan na samantalahin ang isa sa kanyang mga naipasang batas ang Republic Act 10931 na mas kilala bilang Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Sa ilalim ng nasabing batas ay sagot ng gobyerno ang tertiary education para sa mga Pinoy.

“This is the most opportune time to go back to school and avail of the said Angara, one of the authors of Republic Act 10931 or the Universal Access to Quality Tertiary Education Act. The act guarantees free tuition and other miscellaneous fees in state universities and colleges (SUCs)”, ayon kay Angara.

Ipinaliwanag ng mambabatas na sa ilaim ng kanyang political platform na “Alagang Angara” ay kanyang hinihikayat ang mga college dropouts na walang trabaho at high school graduates na sila ay eligible para sa libreng pag-aaral sa 112 mga State Universities and Colleges (SUCs) sa iba’t ibang panig ng bansa.

Pagkakataon na ito ayon kay Angara para matiyak ang maayos na buhay ng bawat pamilyang Filipino na naghahangad na magkaroon ng magandang kinabuksan sa pamamagitan ng maayos na edukasyon.

Ayon sa tala ng pamahalaan, noong 2018  ay aabot sa 2.3 million ang bilang ng mga tambay sa bansa.

Sa nasabing bilang, sinabi ng Labor Force Survey result ng Department of Labor and Employment na 16 percent sa nasabing bilang ang nagtapos ng high school na siyang target sa pagsasabatas ng Republic Act 10931.

Read more...