Gordon: Aquino at Abad dapat kasama sa mga kinasuhan dahil sa Dengvaxia
Aminado si Sen. Richard Gordon na dismayado siya dahil hindi kasama sina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Budget Sec. Butch Abad sa mga kinasuhan kaugnay sa Dengvaxia.
Sinabi ni Gordon na siyang pinuno ng makapangyaring Senate Blue Ribbon Committee na malakas ang mga ebidensya na magsasangkot kina Aquino at Abad sa nasabing isyu na nagresulta sa kamatayan ng ilang mga nabugyan ng anti-dengue vaccine.
Mismo ang dating pangulo pa ayon kay Gordon ang pumunta sa Paris, France kaya napabilis ang pagbili ng Dengvaxia sa Sanofi pasteur.
Sina Aquino at Abad rin umano ang dahilan kung kaya nai-divert ang malaking pondo ng gobyerno na siyang pinambili ng nasabing bakuna.
Malinaw ayon ka Gordon na minadali ang proyekto dahil papalapit na noon ang 2016 national elections.
Bukod kay dating Health Sec. Jannette Garin, kinasuhan rin ng Department of Justice ng reckles imprudence resulting in homide ang ilang mga kasalukuyan at dating opisyal ng DOH, Sanofi Pasteur, Research Institute for Tropical Medicine at Food and Drugs Administration kaugnay sa maanomalyang pagbili at paggamit sa P3.3 Billion na anti-dengue vaccine.
Umaasa naman si Gordon na masisilip ng mga state prosecutors ang mas mabigat pang mga ebidensya na magsasangkot sa kaso sa grupo ni Aquino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.