Luke Perry kritikal dahil sa massive stroke

By Den Macaranas March 02, 2019 - 05:03 PM

AP

Dumanas ng massive stroke ang American actor na si Luke Perry na nakilala noong dekada 90 sa sikat na TV series na Beverly Hills 90210.

Si Perry ay nananatiling unconcious ayon mga ulat makaraan siyang isugod sa isang hindi pinangalanang ospital sa Los Angeles.

Sa pamamagitan ng mga posts sa social media ay humingi ng panalangin ang mga kaibigan ng 52-anyos na aktor partikular na ng kanyang mga nakasama sa sikat na TV series.

Si Perry ay nasa Los Angels para sa television series na Riverdale na isang adaptation sa Archie comic books kung saan ang kanyang character na ginagampanan ay si Fred Andrews na tatay naman ni Archie.

Noong isang linggo lang ay lumabas rin ang ulat kaugnay sa muling pagbuo sa mga bida sa Beverly Hills 90210 para sa isang reboot TV series kung saan si Perry ay ay sinasabing excited sa proyekto.

Humihingi naman ng privacy ang mga kaanak ng aktor kaugnay sa kanyang kasalukuyang sitwasyon.

TAGS: 90210, beverly hills, luke perry, massive stroke, TV series, 90210, beverly hills, luke perry, massive stroke, TV series

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.