Pinasalamatan ni Cebu Archbishop Jose Palma si Pangulong Rodrigo Duterte sa babala nito sa sinumang nasa likod ng pagbabanta sa mga lider ng simahan lalo na ng mga pari at obispo.
“I’m happy over one person who tries to change in that sense. I hope and pray that there is always a room for improvement,” pahayag ni Bishop Palma.
Dagdag pa ng obispo,“Instead of developing animosity or finding ways of disagreement, we must find ways to collaborate and work together for the good of the community.”
Nauna dito ay nilinaw nang pangulo na personal niyang mga pahayag ang mga maanghang na salita na kanyang sinabi sa mga obispo ng simbahang katolika.
Taliwas ito sa nauna nang pahayag sa publiko na holdapin at pagnakawan ang mga obispo dahil maraming pera ang mga ito.
Nauna dito ay sinabi ng pangulo na nakatanggap siya ng sumbong mula kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na nagsasabing may mga death threat na tinatanggap si Caloocan City Bishop Pablo Virgilio David.
Si David ay isa sa mga kritiko ng war on drugs ng pamahalaan.
Dagdag pa ni Palma, “I believe it’s a product of some kind of a change. I also believe that that is the direction he has to take especially now that the elections are coming. It may not help if he finds more enemies.”