Pangalan ng mga party list nominees inilabas na ng Comelec
Isinapubliko na ng Commission on Elections (Comelec) ang listahan ng mga nominees para sa mga party list groups na kabilang sa mga pinayagang sumali sa 2019 midterm elections.
Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na sa pamamagitan ng kanilang inilabas na listahan ay makakapamili ang publiko ng mga party list group na kanilang iboboto sa halalan.
Nauna nang binatikos ng ilang grupo ang pagpabor ng Comelec sa ilang party list group na binubuo ng mga kaanak ng ilang mga pulitiko.
Ang party list representation ay isinabatas para magkaroon ng kinatawan sa kongreso ang ilang “marginalized” o maliit na sektor sa lipunan na kailangang magkaroon ng kinatawan sa pagbuo ng ilang panukalang batas.
Sa kabuuan ay umaabot sa 134 ang bilang ng mga party list groups na kasali sa susunod na halalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.