UNICEF: Pilipinas pangatlo sa bansang may pinakamataas na kaso ng tigdas

By Den Macaranas March 02, 2019 - 11:14 AM

Inquirer file photo

Naglabas ng babala ang United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) kaugnay sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kabataang may tigdas sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa ulat ng UNICEF, umaabot sa 98 mga bansa ang nakapagtala ng mataas na kaso ng tigdas para sa taong 2018 kumpara sa taong 2017.

Ipinaliwanag ng UNICEF na bukod sa kaguluhan sa ilang panig ng mundo ay may kapabayaan rin mula sa ilang sektor ang siyang dahilan kung bakit tumaas ang bilang ng mga may tigdas.

“This is a wakeup call. We have a safe, effective and inexpensive vaccine against a highly contagious disease — a vaccine that saved almost a million lives every year over the last two decades,” ayon Henrietta Fore, executive director ng UNICEF.

Dagdag pa ng nasabing UNICEF official,“These cases haven’t happened overnight. Just as the serious outbreaks we are seeing today took hold in 2018, lack of action today will have disastrous consequences for children tomorrow.”

Nauna nang sinabi ng World Health Organization (WHO) na mabilis na kumalat ang tigdas kumpara sa tuberculosis o Ebola pero mas madali itong maiwasan dahil sa mga epektibo at mas murang bakuna.

Sa tala ng WHO, para sa taong 2018 ay umabot na sa 136,000 ang namatay dulot ng iba’t ibang kumplikasyon ng tigdas bukod pa sa pagtaas ng mga nahawa ng nasabing sakit.

Kabilang sa mga bansang may mataas na kaso ng tigdas sa kasalukuyan ay ang Ukraine na mayroong 35,120 kaso; Brazil na may 10,262 at Pilipinas na nag-ulat na mayroong 15,599 mula Enero hanggang sa kalagitnaan ng buwan ng Pebrero kumpara sa 2,407 na kaso noong 2017.

Kasama rin sa listahan ng WHO ng mga bansang may mataas na kaso ng tigas ang Ukraine (822 cases per million people), Serbia (618), Albania (481), Liberia (412), Georgia (398), Yemen 328), Montenegro (323) at Greece (227).

TAGS: Ebola, Health, Henrietta Fore, tuberculosis, Ukraine, unicef, WHO, Ebola, Health, Henrietta Fore, tuberculosis, Ukraine, unicef, WHO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.