8 Chinese nationals arestado dahil sa illegal online casino operation
Arestado ang walong Chinese nationals na nag-ooperate ng isang online gambling operation sa isang exclusive village sa Makati City.
Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) at Bureau of Immigration ang lugar ng nasabing mga Chinese nationals sa Briones street, San Lorenzo Village sa naturang lungsod.
Kinilala ang mga naarestong Chinese nationals na sina Li Chenchen, Hong Yu, Li Huimin, Cai Jian, Lei Chijin, Xiong Yaowui, Lin Yufei at Peng Cun.
Sinabi ni NCRPO director Guillermo Eleazar na isa lamang sa mga naaresto ang mayroong working permit.
Napag-alaman rin na dumating sa bansa ang nasabing mga Chinese nationals anim na buwan na ang nakalilipas.
Bigo ang mga suspek na makapag-pakita ng kaukulang lisensya kaya hindi sila otorisadong mamahala ng online casino ayon na rin sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).
Wala ring maipakitang business permit ang nasabing mga Chinese nationals.
Sinabi ni Eleazar na marami na silang natanggap na mga sumbong mula mismo mga sa mga residente sa San Lorenzo Village kaugnay sa iligal na operasyon ng online casino sa kanilang lugar.
Ang mga arestdong Chinese nationals ay kasalukuyang nakakulong sa Camp Bagong Diwa in Taguig City at nahaharap sa paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
Bagaman bailbale ang kaso, hindi pa rin sila makalalabas sa kulungan dahil sa paglabag sa ilang immigration laws ayon pa kay Eleazar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.