Julia Barretto, inoperahan sa mata

By Rhommel Balasbas March 02, 2019 - 06:05 AM

Ibinahagi ni Marjorie Barretto sa isang Instagram post na sumailalim sa isang minor eye procedure ang kanyang anak na si Julia.

Hindi binanggit ni Marjorie kung bakit naoperahan ang kanyang anak.

Gayunman, ayon sa ilang comments ng fans, nagkaroon ng kuliti ang aktres.

Tumagal umano ng 15 hanggang 20 minuto ang operasyon sa mata nito.

Sa kanyang post, todo-pasasalamat si Marjorie kay Erich Gonzales na kahit tatlong oras lamang anya ang tulog ay hinawakan ang kamay ni Julia habang inooperahan.

Matatandaang malalim ang pagkakaibigan nina Erich at Julia na nagsimula noong 2014.

Samantala, nagpasalamat din si Marjorie sa doktor na kaibigan na si Dr. Lee Verzosa sa matagumpay na operasyon nito kay Julia.

TAGS: erich gonzales, Julia Barretto, Marjorie Barretto, erich gonzales, Julia Barretto, Marjorie Barretto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.