Manny Pacquiao, miyembro na ng Army Scout Rangers

Credit: Frances Mangosing/INQUIRER.net

Kasama na sa hanay ng elite Army Scout Rangers si Filipino boxing champion at Senador Manny Pacquiao.

Si Pacquiao ay binigyan ng honorary membership sa naturang unit sa seremonya sa Camp Aguinaldo.

Pinarangalan din ng militar si Pacquiao ng Meritorious Achievement Medal at Manifesto Plaque dahil sa kontribusyon nito sa larangan ng palakasan at bilang mambabatas.

“As a man of admirable strength and physical endurance, we in the AFP truly hold you, sir, in high esteem and regard for your accomplishments. Majority of the Filipino people look up to you as a source of inspiration: a living example of a man who rose up from the adversities of life through hard work and perseverance,” pahayag ni AFP chief General Benjamin Madrigal Jr. sa kanyang talumpati.

Bilang Senador, isinusulong ni Pacquiao ang pagbabalik ng military training o ROTC para sa Grades 11 at 12.

“I firmly believe that it is my duty as a citizen of the Republic of the Philippines to defend our country. I filed a Senate bill for the restoration of military training,” ani Pacquiao sa kanyang speech.

Ayon sa pambansang kamao, sa lahat ng parangal na kanyang natanggap, pinaka-proud siya sa nakuhang mga medalya bilang Army reservist.

Unang naging Sergeant si Pacquiao noong 2006 pagkatapos ay napromote ito bilang Technical Sergeant at naging Master Sergeant noong 2009.

Taong 2011 ang promotion ni Pacquiao bilang Lt. Colonel at naging full-pledged Colonel noong 2017.

Si Pacquiao ay miyembro rin ng Special Forces ng Philippine Army.

Read more...